I am ME : )
- GoyMon
- This is my space. Any thoughts, experiences,encounters and adventures I will share herein, and you're welcome to share your thoughts too! Well, despite that many would have qualms about me, I still love being me, and you are invited to enter a part of my space..
Saturday, March 10, 2012
Bagong Henerasyon
MISSION: To achieve a healthy, educated, prosperous and empowered citizenry.
VISION: To lead the fight against sickness, ignorance, poverty, and indifference by empowering individuals with knowledge and skills.
Bagong Henerasyon Partylist:
Ang Partylist ng Kabataan, Kababaihan, at Sambayanan
Nagsimula ang BAGONG HENERASYON bilang isang NGO noong 2001, at naging Foundation noong 2003. Mula sa hanay ng kababaihan at kabataan ang mga pinuno nito, at sa taglay na kagustuhang makatulong sa kanilang sektor at sa mga maralita, madaling nabuo ang
BAGONG HENERASYON. Mula sa mga batayang ito at inspirasyon hinango ang pangalang BAGONG HENERASYON – henerasyong binubuo ng mahigit kalahati ng populasyong Pilipino; henerasyong may responsibilidad sa pagkalinga ng lipunan at pamahalaan; henerasyon kung saan nakasalalay ang pag-asa at kinabukasan ng bayan.
Mula noon, malayo na ang narating ng BAGONG HENERASYON. Sa ngayon, nasa halos 200,000 na ang mga indibidwal na direktang natulungan ng BAGONG HENERASYON sa pamamagitan ng iba’t-ibang proyekto, programa, at inisyatiba nito.
Baguhan man sa larangan ng pulitika, mayaman naman sa karanasan ang
BAGONG HENERASYON. Bagito man sa larangan ng halalan, beterano naman sa
paglilingkod sa mamayanan ang BAGONG HENERASYON.
Bisyon at Misyon
Pangarap ng BAGONG HENERASYON ang sambayanang malusog, may kaalaman, masagana, at may angking lakas. Isang lipunang mabilis na sumusulong para sa kaunlaran, kasabay ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pagpapalakas ng mamamayan.
Ang misyon ng BAGONG HENERASYON ay ang manguna sa pakikibaka sa lahat ng uri ng sakit at karamdaman, kamangmangan, kahirapan, at pagkawatak-watak o pagkakanya-kanya ng mamamayan.
Awards
* Consumers Choice “DANGAL NG PILIPINAS” 8th Annual Award (Nov 2009)
* TESDA 2007 Regional and National Kabalikat Awardee (Sept 2007)
* APEC Digital Opportunity Center ICT Awards 2006 - Acclaimed Best Practice in the Philippines in Bridging the Digital Divide for the Computer School-on-Wheels project (2006)
* Winner: Panibagong Paraan Competition: 1st Philippine Development Innovation Marketplace - Computer School-on-Wheels (January 2004)
* TESDA: Best Community Training, Community Employment Coordinator in the National Capital Region (2003)
Plataporma ng Bagong Henerasyon Partylist: H.E.L.P
HEALTH (KALUSUGAN)
Paunlarin ang pangkalahatang kapakanan ng mamayan sa pamamagitan ng pagtataas ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan lalo na para sa kababaihan at kabataan.
MGA KASALUKUYANG PROYEKTO PATUNGKOL SA KALUSUGAN:
* BH Mobile Clinic (X-ray, ECG, Ultrasound, Pap Smear, Blood Sugar Test)
* Dental Mission
* Medical Mission
* Optical Mission
* Rehabilitation Treatment of Cleft Palate
* Anti-Rabies Vaccination
* Supplemental Feeding for the Risk Group
* BH Fund in hospitals and Mercury Drug
EDUCATION (EDUKASYON)
Mabigyan ang mga mamamayan ng pantay na pagkakataon sa lahat ng programang pang edukasyon, at magsagawa ng karagdagang pormal at di-pormal na kursong kompyuter para sa mga kapuspalad.
MGA KASALUKUYANG PROYEKTO PATUNGKOL SA EDUKASYON:
* Free Computer Trainings: BH Computer Learning Centers in Quezon CIty (Bahay Toro, Del Monte, Masambong, Balingasa, Paang Bundok, Talipapa, 20th Avenue, UP Campus)
* BH ADOC eCARE Center for People with Disability
* BH Computer School-on-Wheels
* BH Roving Computer and Speech Training Center
* College and Technical Vocational Scholarships with Partner Schools
LIVELIHOOD (KABUHAYAN)
Itaguyod, ipaglaban, palakasin, at patatagin ang mga entrepreneur sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan para sa karagdagang kita; at hikayatin sila sa pagtatayo ng mga negosyo. Ang mga programang ito ay ipararating sa anyo ng mga “Home-based Entrepreneurial Activities” para sa mga maybahay, retirado, out-of-school youth, at iba pa. Mabigyan ng tamang skills and kabataan, kababaihan, at mamamayan para sila'y magkatrabaho.
MGA KASALUKUYANG PROYEKTO PATUNGKOL SA KABUHAYAN:
* BH Skills-on-Wheels
* Free Trainings: Call Center, Barista, Bartending, Massage Therapy, Beauty Care (Facial, Hand and Foot Spa), Dressmaking, Tailoring, Welding, Motorcycle Repair, Cellphone Repair, Various One-Day Skills Training
PEOPLE EMPOWERMENT (LAKAS NG MAMAMAYAN)
Itaguyod, paunlarin, at hikayatin ang kababaihan at kabataan sa pagpapaunlad ng bayan sa pamamagitan ng pagpapalakas at paghimok sa kanila na makilahok sa mga isyu sa komunidad partikular sa Kalusugan, Edukasyon, Kabuhayan, at Paninirahan; na sang-ayon sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasabatas nito sa Kongreso.
MGA KASALUKUYANG PROYEKTO PATUNGKOL SA LAKAS NG MAMAMAYAN:
* Microfinancing
* Entrepreneurship Seminars
* Community Organizing
* Urban Poor Assistance for Community Mortgage and Direct Selling
* Teen Mobile Center
* Tree Planting
* Assistance to Victims of Calamities
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment